MANILA, Philippines — Itinumba ang isang lalaking suspek sa pamamaslang sa isang barangay chairman noong nakalipas na Agosto nang pagbabarilin ito ng dalawang lalaki, kamakalawa ng hapon sa Barangay 100, Zone 8, Tondo, Maynila.
Ang nasawi ay kinilalang si Emmanuel Carpio, alyas “Toway”, residente ng no. 103 Del Pilar St., Tondo, Maynila.
Sa ulat, dakong alas-5:00 ng hapon nang pagbabarilin si Carpio sa eskinita sa Del Pilar St., Tondo ng dalawang lalaki na ang isa ay inilarawan na payat at isa ay may katabaan, may taas, 5’2”-5’3” at ang isa ay may taas 5’5”-5’7, kapwa nakasuot ng t-shirt, pantalon at bull cap.
Nabatid na ang napatay ay kapatid ng nakaupong si Brgy. 100 Chairwoman Abigail Carpio na pumalit sa napaslang Chairman Joseph Moran noong Agosto 1, 2018 na ang itinuturong suspek ay si Toway.
Kapatid din ni Toway ang napaslang na si dating Brgy. Chairman Alberto Carpio, noong Nobyembre 8, 2018 at dito ay humalili si Moran.
Naging person of interest si Toway nang pagbantaan nito si Moran na hindi rin magtatagal sa kanyang puwesto