MANILA, Philippines — Nagpalabas ng kautusan si Pangulong Rodrigo Duterte sa pagsuspinde ng mga bagong lisensiya at permit para sa paggawa,pagbenta at distribution ng firecrackers at pyrotechnic devices.
Sa kanyang ipinalabas na Memorandum Order No. 31 na may petsang Oct. 29, ay sinabi ni Duterte na ang pagsuspinde sa proseso ng mga bagong lisensiya at permit ay pansamantalang itigil upang mapag-aralan ang mga existing licenses at permits.
Batay sa memorandum: “The suspension herein ordered shall remain in effect until declared lifted by the Office of the President upon recommendation of the PNP (Philippine National Police) Chief and his submission of a report on the review undertaken on existing licenses and permits”.
Inatasan kahapon ni Duterte ang Philippine National Police (PNP) na mahigpit na ipatupad ang umiiral na batas at regulasyon sa paggawa, pagbebenta at paggamit ng paputok at pyrotechnics sa buong bansa.
Maaaring kumpiskahin, wasakin ng PNP ang mga ipinagbabawal na firecrackers, pyrotechnic devices, at ikansela ang mga lisensiya at permits sa sinumang lumalabag sa umiiral na batas, at regulasyon.
Magugunita na noong June 2017 ay nag-isyu ang Pangulo ng Executive Order 28 na naglilimita sa paggamit ng paputok sa buong bansa.
Ayon naman sa DOH na malaking tulong ang EO sa firecrackers dahil bumaba ang bilang ng mga nasugatan sa pagsalubong sa 2018.