MANILA, Philippines — Nagalit si Don Bagatsing nang mapanood ang nag-viral na video sa social media tungkol sa pambubugbog at pananakit ng isang babae sa dalawang batang paslit.
Kaya’t nais nitong magbigay ng P20,000 na pabuya sa sino mang makakadakip at dalhin sa kanya ang suspek na nakilalang si Christine Joyce Ubaldo na taga Sta. Ana na may warrant of arrest na.
Ayon kay Bagatsing, walang puso si Ubaldo at marapat na managot sa batas sa oras na maaresto dahil sa kanyang pananakal pamimilipit ng mga braso at pananampal sa dalawang batang naglalaro sa kalsada sa Maynila.
Makikita sa video na habang sinasakal ni Ubaldo ay umiiyak na ang unang bata pero sa halip na tumigil sa kanyang pananakit ay sinampal pa niya ito. Sumaklolo ang ikalawang bata, subalit maging siya ay sinaktan ng suspek.
Habang nag-iiyak ang dalawang bata na edad 4-anyos at 5-anyos dahil sa sakit ay may pinulot ang suspek at ibinato sa mga una.