Sanggol nalunod sa baha

MANILA, Philippines — Isang 8 buwang sanggol na babae ang nasawi makaraan itong malunod sa baha sa bakuran ng kanilang bahay sanhi ng malalakas na pag-ulan na dulot ng Ompong kahapon ng umaga sa Pioduran, Albay.

 

Ang nasawi ay kinilalang si Crissa Joy De Castro, ng Barangay 1, Pioduran ng lalawigan.

Sa bandang alas- 5:00 ng umaga nang madiskubre ng mga magulang ng biktima na rumagasa ang tubig baha sa kanilang lugar at nang hanapin sa higaan ang sanggol ay wala ito at ilang sandali ay nakita na itong lumulutang sa  kanilang bakuran.

Posible umanong na­gising ang sanggol ng madaling araw kung saan gumapang ito hanggang sa mahulog sa hagdang.

Show comments