Isa sa 2 chinese na pinatay naabswelto sa P380-M drug case

Ang napatay na Chinese na si Yan Yi Shou, 35 ay kasama ni Marine Lieutenant Colonel Ferdinand Marcelino sa naabswelto sa drug trafficking charges dahil sa kawalan ng sapat na ebidensiya noong Mayo 18, 2017.
KJ Rosales

MANILA, Philippines — Naabswelto sa kasong P380 milyon droga ang isa sa dalawang Chinese national na pinatay ng ri­ding in tandem kamakalawa sa Taft Avenue, Ermita, Maynila.

Ang napatay na Chinese na si Yan Yi Shou, 35 ay kasama ni Marine Lieutenant Colonel Ferdinand Marcelino sa naabswelto sa drug trafficking charges dahil sa kawalan ng sapat na ebidensiya noong Mayo 18, 2017.

Kahapon ay kinuha ni Senior Inspector Rommel Anicete, hepe ng Manila Police District-Homicide Section kay Senior Insp. Henry Navarro, hepe ng MPD-General Assignment and Investigation Section ang rekord ng reklamo laban sa mga napatay na sina Yan, at Wu Huai Hong, 30, na gagamitin sa imbestigasyon.

Sina Yan at Hong ay nakulong sa GAIS nang i-turn over ng mga tauhan ni MPD-Station 11 chief, Supt. Carlito Mantala noong Agosto 14, 2018 sa reklamong  Direct Assault, Alarm and Scandal,  Resistance to the Agent of Person in Authority, Resissting arrest, Drunk and Disorderly at Threat, na nakapagpiyansa nitong Agosto 17, 2018.

Nang makalaya ang dalawa ay tinambangan sila ng riding in tandem sa Taft Avenue sa ibaba ng UN LRT Station northbound alas-11:40 ng umaga.

Show comments