Anak ng kagawad na sangkot sa droga, itinumba

MANILA, Philippines — Dead-on-the-spot ang isang 40-anyos na lalaki na anak ng isang barangay kagawad matapos na pagbabarilin ng riding in tandem suspects kahapon ng umaga sa Tondo, Maynila.

Ang nasawi dahil sa tama ng bala sa dibdib ay kinilalang si Rodel Rivera, 40, ng Solis St., Tondo, anak ni Dalisay Rivera, Kagawad ng Barangay 207.

Batay sa ulat, dakong alas-5:15 ng umaga ay nag­lalakad ang biktima sa harapan ng Plaridel Elementary Schoo sa Tondo nang salubungin ng mga suspek na sakay ng isang motorsiklo at agad na pinagbabaril ito nang malapitan.

Sinisilip na anggulo ng pulisya na ang pagpatay sa biktima ay pagiging sangkot nito sa iligal na droga.

Show comments