Misencounter...
MANILA, Philippines — Nasawi ang 6 pulis habang 9 ang nasugatan sa naganap na misencounter sa pagitan ng militar sa liblib na lugar sa Brgy. Sta Rosa, Villareal, Samar kahapon ng umaga.
Sa report ni Chief Supt. Mariel Magaway, Director ng Police Regional Office (PRO) 8, dakong alas – 9:27 ng umaga habang nagsasagawa ng combat operation ang tropa ng 805th Regional Mobile Force (RMF) at Army’s 87th Infantry Battalion (IB) nang makasagupa ang mga rebeldeng komunista sa lugar.
Gayunman, nagkaroon ng miskomunikasyon kaya’t mismong ang tropa ng militar at mga pulis ang nagkabakbakan
Sa panig naman ni Army’s 8th Infantry Division (ID) Commander Major Gen. Raul Farnacio, limang araw nang nagsasagawa ng operasyon ang tropa ng militar laban sa tinatayang mahigit 20 NPA rebels habang ang mga pulis ay tatlong araw na ring nagsasagawa ng operasyon sa lugar na sumunod sa tropa ng militar.
Sa nasabing misencounter ay anim na pulis ang nasawi at siyam naman ang nasugatan sa mga ito.
Gayunman, hindi muna tinukoy ng mga opisyal ang pagkakakilanlan sa mga nasawi at nasugatang pulis dahilan upang kailangan pa ang itong impormahan ang kanilang mga pamilya .
Samantalang bunga nito ay bumuo na ng Special Investigating Task Group upang imbestigahan ang insidente.