Trillanes kinasuhan ng grave threat

Ayon kay Paras na sinabihan siya umano ni Trillanes na “Yayariin ito” na sa kanyang pagkakaintindi ay na­ngangahulugang “papatayin o tatapusin” siya ng senador.
Edd Gumban

MANILA, Philippines — Nagsampa kahapon ng kasong grave threats si Department of Labor and Employment (DOLE) Undersecretary Jacinto “Jing” Paras laban kay  Senator Antonio Trillanes IV sa Pasay City Prosecutor’s Office.

Batay sa anim na pahinang complaint  affidavit na inihain ni Paras,  nakasaad dito  na  binantaan umano  ng senador  ang kanyang buhay nang magkita sila sa senate session hall noong nakaraang  linggo.

Ayon kay Paras na sinabihan siya umano ni Trillanes na “Yayariin ito” na sa kanyang pagkakaintindi ay na­ngangahulugang “papatayin o tatapusin” siya ng senador.

Inakusahan din ni Paras na sinungaling si Trillanes, na una nang itinanggi na  minura siya at pinagbantaan.

Show comments