1 utas, kapitan at kagawad sugatan sa ambush

MANILA, Philippines — Nasugatan ang isang nagwaging barangay chairman at isang kagawad habang nasawi ang kanilang driver nang sila ay pagbabarilin sa naganap na ambush kahapon sa kahabaan ng  highway ng Brgy. Batulawan, Pikit, North Cotabato.

Kinilala ni North Cotabato Police Spokesman Supt. Bernard Tayong ang nasawing biktma na si Ranulfo Lisundra Bautista, nasa hustong gulang.

Habang nilalapatan sa ospital ang mga nasu­gatang sina Santos Bautista, 61, bagong panalong chairman sa Brgy. Takepan at Robin Salvador, kagawad ng nasabing barangay.

Sa ulat, bago nangyari ang krimen dakong alas-11:20 ng tanghali sa harapan ng Pauro Mangkap Hardware sa Brgy. Batulawan, Pikit ng lalawigan ay lulan ang mga biktima ng Bongo pickup na minamaneho ni Bautista na galing gymnasium ng Brgy. Batulawan.

Pagsapit sa nasabing lugar ay tinambangan ang mga ito.

Show comments