MANILA, Philippines — Binigyang diin ni Public Works and Highway Secretary Mark Villar sa isinagawang preliminary investigastion na human error ang nakikitang dahilan ng pagguho ng itinatayong flyover sa Imus, Cavite dahil sa sunod-sunod na pagbagsak ng limang girder nang pumalya sa paglalagay ng ikaanim nito sa beam ng tulay.
Inaalam din ng tanggapan kung naapektuhan ng naturang pagguho ang pundasyon ng flyover at pinabulaanan na substandard o mahina ang klase ng mga materyales na ginamit sa paggawa ng flyover na ang proyekto ay nagkakahalaga ng P13 milyon.
Nilinaw din ng kalihim na walang ilalabas na pondo ang pamahalaan para sa pagbili ng mga nasirang gamit at ang contractor na JBL Builders ang sasagot.