Julio Diaz timbog sa droga

Kinunan ng mug shot ang aktor na si Julio Diaz matapos na maaresto sa isinagawang drug bust operation sa Brgy. Langka, Meycauayan City, Bulacan.

MANILA, Philippines – Nadakip ng mga otoridad ang actor na si Julio Diaz at kanyang driver sa isinagawang drug buy bust operation kahapon ng madaling araw sa Meycauyan City, Bulacan.

Batay sa ulat, dakong alas-12:40 ng mada­ling araw nang maaresto si Diaz na Mariano de Leon, 59, sa tunay na buhay, residente ng Villacor Village at driver nito na si Ronald Gomez alyas Robin, 35.

Bago ang pagkaka­aresto sa dalawa ay  isi­nailalim sa masusing surveillance operations  ng mga otoridad ang actor at nang magpositibo ay isinagawa ang buy bust operation nang bentahan ng actor ang isang pulis na poseur buyer na isang plastic sachet ng droga na nagkakahalaga ng P500.00.

Nang magkaabutan na ng items ay dito na ina­resto ang actor at driver nito.

Nasamsam mula sa pagiingat ng mga ito ang karagdagang  pang apat na plastic sachet ng shabu na tumitimbang ng P 12 gramo na nagkakahalaga ng P 60,000.00, mga drug paraphernalia at buy bust money.

Ang mga nasakoteng suspek ay kalaboso na ngayon sa detention cell ng pulisya habang ang nakumpiskang droga mula sa mga ito ay dinala na sa Bulacan Crime Laboratory Office para maisailalim sa kaukulang eksaminasyon.-Boy Cruz

Show comments