P200-M cocaine nalambat sa dagat

Ang 28 pakete ng cocaine na natagpuan ng mga mangingisda na nakasilid sa isang plastic container na palutang-lutang sa Lamon Bay noong Linggo.
Kuha ng Quezon Provincial Police Office

MANILA, Philippines — Nakuha ng mga ma­ngingisda sa boundary sea water ng Perez, Quezon at Camarines Sur, noong Linggo ang isang plastic container na naglalaman ng cocaine na nagkakahalaga sa  P200 milyong.

Ayon sa Quezon police, apat na mangingisda ang nakakita sa naturang plastic container na palutang-lutang sa may Lamon Bay malapit sa bayan ng Perez.

Nang siyasatin ng mga mangingisda, tumambad sa kanila ang 28 pakete ng powdered substance.

Agad iniulat ng mga ma­ngingisda ang insidente sa mga lokal na opisyal na agad namang nakipag-ugnayan sa pulisya.

Lumabas sa pagsusuri ng crime laboratory ng Quezon police noong Lunes na kompirmadong cocaine ang nakuha ng mga mangingisda.

Nitong Lunes ay agad isinalang sa laboratory test sa Quezon Police Provincial Office ang laman ng mga pakete at dito’y nakumpirma ng pulisya na isa itong uri ng high grade cocaine.

Ayon sa pulisya, ang mga nakuhang mga cocaine ay posibleng kasama ng mga cocaine na una ng natagpuang palutang-lutang sa karagatan ng Sorsogon at Samar na hinihinalang itinapon  sa nasabing karagatan ng sindikato ng droga.

Kasalukuyang naka­lagak sa himpilan ng Quezon Police ang mga nakuhang ­epektos.

Show comments