Duterte ipinagtanggol ni Lacson sa banat ng UN chief

Ito ang ginawang pagtatanggol ni Senador Panfilo Lacson sa atake ni United Nations human rights chief Zeid Al Hussein.
Fabrice Coffrini, AFP/File

MANILA, Philippines — Hindi akma at unbecoming of high official of the United Nations ang banat kay Pangulong Rodrigo Duterte na dapat sumailalim ito sa “psychiatric evaluation”.

Ito ang ginawang pagtatanggol ni Sen. Panfilo Lacson sa atake ni United Nations human rights chief Zeid Al Hussein.

“Coming from a high official of the United Nations, mukhang uncalled for, mukhang hindi nararapat lalo’t sa kaniya nanggaling. Diba dapat medyo mataas yung level niya, lalo na’t sa edukasyon, sa demeanor at lahat?” wika pa ni Lacson.

Anya, mahigit labing-anim na milyon ang bumoto kay Pangulong Duterte at ‘yun ay bahagi ng ating demokrasya. Para mainsulto ng isang hindi naman Pilipino.

Idinagdag pa ni Lacson, puwedeng magsampa ng protesta ang Pilipinas laban kay Zeid.

Show comments