MANILA, Philippines — Inihayag ni Presidential Spokesman Harry Roque sa media briefing kahapon sa Paniqui, Tarlac na hindi kinukunsidera ni Pangulong Rodrigo Duterte na bigyan muli ng cabinet post si Vice-President Leni Robredo.
Wika pa ni Roque, nagpapasalamat ang Palasyo sa kahandaan ni Robredo na muling maglingkod sa gabinete ni Pangulong Duterte subalit sa kasalukuyan ay hindi ito kinukunsidera ng chief executive.
Magugunita na noon ay itinalaga ni Duterte si VP Robredo bilang pinuno ng Housing Urban Development Coordinating Council (HUDCC) subalit sinibak ito dahil sa magkakaibang pananaw sa mga isyu.