5 hepe ng pulisya sa MM, binalasa

MANILA, Philippines -  Limang hepe ng pulisya na nakatalaga sa Metro Manila kabilang ang dating nasibak na hepe ng Makati City Police ang itinalaga sa panibagong posisyon  sa  balasahan na ipinatupad ni National Capital Region Police Office (NCRPO) Chief P/Director Oscar Albayalde.

Sinabi ni Albayalde na ang rigodon na kaniyang ipinatupad sa limang  Police Districts sa NCRPO epektibo ngayong araw.

Kabilang sa mga nabiyayaan ng panibagong posisyon ay sina Sr. Supt. Dionisio Bartolome  na una nang sinibak noong Mayo 11 o mahigit isang linggo pa lamang ang nakalilipas ni PNP Chief P/Director General Ronald ‘Bato’ dela Rosa matapos na masangkot sa extortion ang apat na intelligence operatives ng Makati City Police.

 Ang iba pang itinalaga sa panibagong puwesto ay sina Sr. Supt. Alexander Santos, dating Regional O­perations Division  ng NCRPO  bilang bagong hepe ng Taguig City Police; Sr. Supt. Allen Sumeg-ang Ocden dating hepe ng Taguig City Police at ngayon ay siya namang bagong talagang hepe ng Navotas City Police Station; Sr. Supt. Dante Novicio mula sa Navotas City Police Station ay siya na ngayong bagong hepe ng Muntinlupa City Police at si Sr. Supt. Lawrence Coop mula sa Pasay City Police ang siya ngayong bagong pinuno ng San Juan City Police.

Inihayag ni Albayalde na ang pagbabalasa ay sanhi ng carreer advancement ng mga opisyal kung saan ilan sa mga ito ay nabigyan ng promosyon sa serbisyo habang ang iba naman ay matapos na magretiro ang iba pang mga opisyal.  

Show comments