Mister na nasa drug list, itinumba

MANILA, Philippines - Hindi na umabot ng buhay sa ospital ang isang 46-anyos na mister na nasa “drug list” matapos pagbabarilin ng hindi kilalang mga suspect sa loob ng bahay nito sa Pasay City,kamakalawa.

Ang nasawi dahil sa mga tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan ay kinilalang si Arnold Buenaventura “alias Atong”.

Batay sa ulat,dakong alas-5:00 ng hapon ay nagpapahinga ang biktima sa loob ng kanyang bahay sa #118-B, Legaspi St., Brgy. 147, Zone 16 nang biglang pumasok ang grupo ng mga kalalakihan at walang kaabog-abog na pinagbabaril ito saka mabilis na nagsitakas.

Show comments