MANILA, Philippines - Humingi ng paumanhin at nakiramay ang administrasyong Duterte sa gobyerno ng South Korean na dinukot at pinatay sa loob mismo ng Camp Crame.
“To the Korean people, please accept our sincerest and deepest regrets. We wish to extend our condolences to the widow of the S. Korean national who died under police custody. We apologize to the SoKor gov’t for the death of Jee Ick-Joo,” ayon kay Presidential Spokesman Ernesto Abella.
Nakikiramay din ang gobyernong Duterte sa biyuda ng Korean businessman na si Choi Kyung-jin dahil sa sinapit ng asawa nito sa kamay pa naman ng pulis.
Siniguro ng Malacañang na makakamit ng Korean businessman ang hustisya kasabay ang paniniguro na walang magaganap na white wash sa imbestigasyon upang maparusahan ang mga sangkot sa pagkamatay ni Jee matapos ang naging panawagan ng South Korean government sa mabilis na hustisya para sa kanilang national na pinatay.
Sa kabila na insidente ay nanindigan si Pangulong Duterte na buo pa rin ang pagtitiwala nito kay PNP chief Ronald dela Rosa.