Laman ng sex video inihayag sa hearing... Love affair ni de Lima at driver naungkat

MANILA, Philippines - Ibinulgar kahapon ng dating bodyguard ni Senator Leila de Lima na may relasyon ito sa  kanyang dating driver/bodyguard na si Ronnie Dayan na inakusahang tumatanggap ng mala­king halaga ng salapi mula sa mga nakakulong na drug lords sa New Bilibid Prison (NBP).

Ito ang inihayag ni  Joenel Sanchez, na  nasa ilalim ng kustodya ng gobyerno sa pagharap nito sa pagdinig ng House Committee on Justice tungkol sa NBP illegal drug trade na napansin niya ang kakaibang pagiging malapit  nina De Lima at Dayan.

Binanggit din ni Sanchez, na nagtrabaho siya  kay De Lima sa loob ng limang taon hanggang Mayo 2015 noong ito ay justice secretary pa at  sinabi rin nito na ini-record ni Dayan ang sexual acts nila ni De Lima sa pamamagitan ng mobile phone.

Sinabi rin nito na isa pang driver ni De Lima na kinilalang si Bantam ay ipinakita sa kanya ang  cellphone ni Dayan na kung saan doon nakalagay ang umano’y sex video nila De Lima habang nakaparada ang kanilang sasakyan sa Malacañang noong 2012 na ilang beses namang pinabulaanan ni De Lima.

Nakumpirma rin ni Sanchez na may relasyon si Dayan at De Lima dahil natutulog ito sa bahay ng noong ay kalihim gayundin kapag may mga out of town ay magkasama sila sa iisang kwarto habang magkakasama naman sa isang kwarto ang mga security.

“Madalas din ka­ming pumunta sa bahay ni SOJ De lima sa Bicol at kapansin-pansin ang sweetness nila. Habang kami ay bumibiyahe pa­puntang probinsya, sila po ay nagsusubuan ng nila­gang sa­ging na saba”wika ni Sanchez.

Nagtutungo rin umano si de Lima sa bahay ni Dayan sa Urbiztondo Pangasinan tuwing may okasyon lalo na pag kaa­rawan ng huli, pag hu­ling linggo ng Disyembre hanggang Bagong taon.

“Kami rin ay pumupunta sa bahay ni Ronnie Dayan sa Urbiztondo, Pangasinan kasama si SOJ De Lima at ‘pag birthday ni Ronnie Dayan tuwing last week ng December ay pumupunta si SOJ De Lima at doon na nagpapaabot ng New Year”, wika pa ni Sanchez.

Magugunita na si Pa­ngulong Rodrigo Duterte ang unang nagbulgar ng umano’y love affair ni De Lima noong Agosto kay Dayan na siyang nakiki­pag-ugnayan sa nakakulong na drug lords.

Binanggit pa ni Sanchez na nagtapos umano ang love affair nina Dayan at De Lima noong Marso 2015 matapos magselos ang una sa bago nitong bodyguard na kinilalang si Warren Cristobal.

Si Cristobal, ang pu­malit kay Dayan bilang pinuno ng security escort na kung saan ay naging masyadong malapit din ito kay De Lima at  nakatanggap ng mamahaling baril.

Show comments