MANILA, Philippines – Habang patuloy ang pagkilos patungong hilagang boundary ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ay lumakas pa ang bagyong Gener kahapon.
Ayon sa Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) magdudulot ito ng katamtaman hanggang sa malakas na pag-ulan sa bansa.
Ala-1:00 ng hapon kahapon, si bagyong Gener, ay namataan sa layong 525 kilometro ng hilaga ng Basco, Batanes na may taglay na lakas ng hangin na umaabot sa 175 kilometro bawat oras malapit sa gitna at may pagbugso ng hangin na umaabot sa 210 kilometro bawat oras.
Si Gener ay kumikilos pahilagang bahagi ng bansa sa bilis na 16 na kilometro bawat oras.
Ngayong linggo, si Gener ay inaasahang nasa layong 780 kilometro ng hilaga hilagang silangan ng Basco, Batanes o nasa labas na ng PAR.