Biyahe ni Du30 sa Brunei kinansela

MANILA, Philippines – Kinansela na kahapon ni Pangulong Rodrigo Duterte ang nakatakda sana nitong pagbiyahe sa Brunei dahilan sa nangya­ring pagsabog sa Davao City nitong Biyernes ng gabi.

Kinumpirma ni Communications Secretary Martin Andanar na hindi na bibiyahe ang Pangulo sa nasabing bansa.

Nakatakda sanang bumisita ang Pangulo sa Brunei nga­yong araw hanggang sa Setyembre 5 upang makipagpulong sa lider nito na si Sultan Hassanal Bolkiah at sa mga Filipino na nagtatrabaho at naninirahan doon.

Bagaman at hindi na itutuloy ang biyeha sa Brunei, dadalo pa rin ang Pangulo sa opisyal na biyahe nito sa Laos para sa pagpupulong ng Association of South East Asian Nations (ASEAN) Summit mula Setyembre 6 hanggang 8 at pagkatapos ay tutuloy ito sa Indonesia sa Setyembre 9.

 

Show comments