MANILA, Philippines – Inihayag kahapon ng pamunuan ng Light Rail Transit Authority (LRTA) na mayroon ng 76 na loading center sa Metro Manila ang beep card na ginagamit sa pagsakay ng Light Rail Transit (LRT-1 and 2) at Metro Rail Transit (MRT-3).
Ayon sa LRTA, maaaring ng magpa-load sa mga sangay ng Villarica, Bayad Center at SM bill payment habang sa sususnod na buwan ay puwede na ring mag-reload ng mga beep card sa mga sangay ng seven eleven, mini stop at family mart.
Hinihikayat ng LRTA ang publiko na mas magandang gumamit ‘stored value beep card’ sa halip na single journey ticket dahil mas mapapadali ang pagsakay ng LRT at MRT ng isang pasahero dahil hindi na kailangan pang pumila para lamang bumili ng ticket.
Sa rekord ng LRTA, nasa 55 porsiyento na ng mga pasahero ang gumagamit na, sa ngayon ng ‘stored value beep card’ dahil sa kombinyenteng hatid sa kanilang pagsakay ng mga tren ng LRT at MRT.