MANILA, Philippines – Dahilan sa kabiguang maglaan ng upuan para sa mga Person With Disability (PWD), pinagmulta ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ng tig P50,000 ang dalawang bus company na Green Star Express Inc. at LLI Bus Company, Inc.
Ayon kay Atty Ariel Inton, Board member ng LTFRB, ang hindi pagbibigay ng upuan sa mga PWDs ay paglabag sa Joint Administrative Order (JAO) 2014-001 for “No designated seats for the Physically Challenged Individual (PWD)”.
Bukod sa naturang multa, pinagbabayad din ang naturang mga bus company ng tig P5,000.00 para sa pagiging arogante ng kanilang tsuper at konduktor; at dagdag na P5,000.00 para sa diskriminasyon sa pasahero.
Ang pagkilos ng LTFRB ay bilang tugon sa reklamo sa ahensiya ng isang polio victim nang hindi makaupo sa designated PWD seat at pinabayaan itong maupuan ng matitipunong lalaki .
Sabi ng complainant, hindi siya pinansin ng konduktor at hindi man lamang nabigyan ng upuan kahit na naipakita nito ang kanyang PWD ID. Sa pagkadismaya ng complainant, nag-video siya sa mga kalalakihang nakaupo ang mga matitipunong lalaki sa PWD seat na laan sana sa mga may kapansanan ay dinala ng complainant nang magreklamo sa LTFRB.