MANILA, Philippines – Matapos ang pananahimik, lumutang na rin kahapon sa Quezon City Police ang isa pang babaeng biktima ng panghahalay ay inanakan pa ng kilabot na colurum van serial rapist na nakapiit ngayon sa detention cell ng Criminal Investigation and Detection Unit (CIDU) sa Camp Karingal, Quezon City.
Kinilala ni CIDU chief P/Supt. Rodel Marcelo ang lumutang na biktima na si Jennifer Alcano, 27, anyos ng No. 124 Road 3 Brgy. Pagasa, Quezon City.
Sa sinumpaang salaysay ni Alcano sa Womens Desk ng QCPD, 14 taong gulang pa lamang siya ay abusuhin at halayin ng manyakis na si Lorenzo sa bahay nito sa Metro Manila East Rodriguez, Rizal.
Nabatid pa sa biktima na taong 2003, makaraan kaibiganin siya ng driver ng colorum van ay isinakay umano siya sa sasakyan nito bago dinala sa bahay at sapilitang hinalay.
Maluha-luha pang isinalaysay ni Alcano na 14 taong gulang siya ng pagsamantalahan ng manyakis na serial rapist at ngayon ay 14-anyos na rin ang kanyang anak na naging bunga ng panghahalay sa kanya.
Si Wilfredo Lorenzo ang unang nahuling suspek sa panggagahasa at pagnanakaw sa dalawang pasahero nito sa loob ng isang colorum na van na kasama ng napaslang na si Alfie Turado sa naturang krimen noong isang linggo.