MANILA, Philippines - Muling nagpatupad ng dagdag-bawas sa presyo ng kanilang produkto ang ilang oil company ngayong araw na ito.
Pinangunahan ng Pilipinas Shell, ang pagbaba sa presyo na P0.25 kada litro ang gasolina habang nadagdagan naman ng P0.30 kada litro ang diesel at P0.15 kada litro ng kerosene epektibo, na epektibo ngayong alas-6:00 ng umaga.
Inaasahan naman na susunod na rin mag-abiso ang iba pang kompanya ng langis sa kahalintulad na presyo sa kanilang mga produktong petrolyo.
Napag-alaman na ang ipinatupad na dagdag bawas sa presyo ng mga produktong petrolyo ay bunsod sa patuloy na paggalaw ng presyuhan sa pandaigdigang pamilihan.