25-M estudyante balik-eskwela

Pinabulaanan naman nito ang pahayag ng mga militanteng mag-aaral na 303,722 estudyante lamang ang nag-enrol sa SHS bagkus ay nasa isang milyon na ang papasok sa grade 11 na siyang first batch ng full implementation ng K-12 program ng pamahalaan. STAR/File photo

MANILA, Philippines – Magbabalik ngayong araw ang nasa 25 milyong estudyante sa kinder, elementary at high school sa kani-kanilang paaralan sa buong bansa.

Ayon kay outgoing Education Sec. Armin Luistro,  nasa isang milyon ang papasok sa Senior High Scholl (SHS) Grade 11, habang ang 24-mil­yon ay sa kindergarten, elementary hanggang grade 10 mula sa mga pribado at pampublikong paaralan sa buong bansa.

Pinabulaanan naman nito ang pahayag ng mga militanteng mag-aaral na 303,722 estudyante lamang ang nag-enrol sa SHS bagkus ay nasa isang milyon na ang papasok sa grade 11 na siyang first batch ng full implementation ng K-12 program ng pamahalaan.

Inaasahan ni Luistro na dadami pa ang mag-eenrol hanggang sa June 17 na siyang huling araw na maaaring i-accomodate ang isang estudyante sa SHS na late enrollees.

Pinayuhan ni Luistro ang mga estudyante na pumasok ng maaga upang hindi mahuli sa klase dahil sa inaasahang ma­tinding trapik lalo na sa Metro Manila.

Paalala rin ni Luistro na magdala ng payong at kapote ang mga estudyante lalo na’t panahon na ngayon ng tag-ulan.

Show comments