Ambaguio, Nueva Vizcaya muling nilindol

MANILA, Philippines – Niyanig muli ng lindol ang bayan ng Ambaguio, Nueva Vizcaya nitong Sabado ng mada­ling araw.

Ito’y matapos namang maiulat ang tatlong magkakasunod na lindol  na ang pinakamalakas ay Intensity V sa nasabing bayan noong Biyernes.

 Ayon sa Philippine Volcanology and Seismology, bandang alas-2:52 ng madaling araw kahapon nang tumama ang 4.9 magnitude ng lindol na ‘tectonic ang origin “sa layong 009 kilometro sa timog kanluran ng  Ambaguio, Nueva Vizcaya.

Tectonic ang origin ng naturang lindol. 

Bunga nito, naramdaman ang lakas ng lindol sa intensity 5 sa Ambaguio, Nueva Vizcaya, Intensity 4 sa Bambang, Bayombong, Kayapa at Aritao, Nueva Vizcaya; Lamut, Ifugao samantalang Intensity 2 sa I-Sagada, Mountain Province; San Jacinto, Pangasinan; Baguio City at Intensity I sa Manaoag, Pangasinan

Bago ito, nakapagtala muna ng 2.7 magnitude na lindol sa Ambaguio Nueva Vizcaya ganap na ala-1:50 ng madaling araw at ang sentro nito ay naitala sa may  018  kilometro ng timog kanluran ng  Ambaguio Nueva Vizcaya.

Show comments