Mediamen ‘di pinag-cover ni Duterte

Kaya’t muling tinotoo nito ang bantang boykot sa mga mediamen na nag-aabang para makapasok sa Malacañang in the South para mag-cover sa kanilang pagtitipon kasama si House Speaker Feliciano Belmonte, ilang cabinet members at mga kongresista. Facebook/Rody Duterte

MANILA, Philippines – Sa ikalawang pagkakataon ay muling hindi pinayagan  ni President-elect Rodrigo Duterte ang mga mediamen na mag-cover nang hindi niya ito papasukin maliban sa PTV 4 sa Presidential Guest House sa Pacanan, Davao City kamakalawa ng gabi.

Kaya’t muling tinotoo nito ang bantang boykot sa mga mediamen na nag-aabang para makapasok sa Malacañang in the South para mag-cover sa kanilang pagtitipon kasama si House Speaker Feliciano Belmonte, ilang cabinet members at mga kongresista.

Nanibago ang mga mamamahayag mula local at national sa mistulang pagbalewala ng incoming president sa kanilang presensiya at nagpalabas sila ng sentiyemento.

Una nang ginawa ito ni Duterte sa ginanap na thanksgiving party nitong nakalipas na Sabado at ang  PTV 4 lamang ang hinayaang makapag-set up ng TV platform malapit sa stage.

Show comments