Kandidatong konsehal inutas sa kampanya

MANILA, Philippines – Isang kandidatong konsehal na si Ca­yetano “Onoy” Oro Jr., ng Brgy. Caloocan, Matnog, Sorsogon ay binaril at napatay ng dalawang lalaki na mga mi­yembro ng New People’s Army (NPA)  habang ito ay  nangangampanya kamakalawa ng alas-6:25 ng gabi.

Matapos ang pamamaslang mabilis na tumakas ang mga suspek sa hindi malamang direksyon bitbit ang kalibre 45 pistola na ginamit sa krimen.

May posibilidad umano na nabigong magbigay ang biktima sa mga rebelde ng pera para sa permit to campaign na ipi­natutupad sa malalayong barangay ng mga NPA.

Si Oro ay tumatakbong konsehal ng bayan sa ilalim ng partido ni Vice President Jejomar Binay na United Natio­nalist Alliance.

Show comments