Anak binuntis ng tatay

MANILA, Philippines – Isang 37-anyos na ama ng tahanan ang dinakip matapos ireklamo ng kanyang anak na humalay sa kanya at bumuntis na naganap sa Guinobatan, Albay.

Ang suspek ay itinago sa pangalang Mike upang hindi makilala ang anak nito na kanyang hinalay.

Batay sa ulat, nagsimula ang ginawang pangmomolestiya ng suspek sa kanyang anak, 9-anyos na isang grade 3 pupil noong 2008, 2009 at 2012.

Nagawa lang maisumbong sa mga kinauukulan ang panghahalay ng sariling ama matapos na mabuntis ito.

Mariin namang pina­bulaanan ng suspek na hindi nito magagawang gahasain ang kanyang sariling anak. 

Ayon pa sa suspek, taong  2011 ng ito ay makipaghiwalay sa kanyang asawa  at ang sinasabing panggagahasa ay naganap taong 2012.

Sa record ng Guinobatan-PNP ang suspek ay nasa talaan bilang no.1 municipal most wanted  sa nasabing bayan.

Show comments