Army Corporal todas, 7 pa sugatan sa BIFF

MANILA, Philippines – Isang Army Corporal ang nasawi habang 7 kasama nito ang malubhang nasugatan matapos makasagupa ang grupo ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) sa Barangay Tee, Datu Salibo, Maguindanao kahapon ng umaga.

Ayon kay Capt. Joan Petinglay, 6th Infantry Division spokesperson na hindi muna isasapubliko ang pangalan ng napatay na sundalo na miyembro ng 7th Infantry Battalion. Habang patuloy namang ginagamot ang 7 nasugatang sundalo sa Camp Siongco Hospital.

Nabatid na nagsagawa ng  ika-14 na clearing operation ang tropa ng pamahalaan nang makasagupa ang mga bandidong Muslim.

Dakong alas-9:30 ng umaga kahapon ng mapadako sa isang marshland area ang mga tropa ng sundalo papunta sa kalaban ng masabugan ng itinanim na improvised explosive device ang mga sundalo.

Hindi pa naman matiyak kung ilan sa mga mi­yembro ng BIFF ang nalagas habang nagpapatuloy ang sagupaan sa Maguindanao.

 

Show comments