Quezon City Solo Parent Summit pangungunahan nina SB at VM Joy B.

MANILA, Philippines – Sa darating na February 8 ng umaga sa Amoranto Theater sa QC, araw ng pagdiriwang sa Chinese New Year ay pa­ngungunahan nina House Speaker Sonny Belmonte at QC Vice Mayor Joy Belmonte ang kauna-unahang Solo Parent Summit sa Quezon City. 

Ayon kay Vice Mayor Belmonte, layunin ng summit ay kilalanin ang ginagampanang papel sa lipunan at mapalakas pa ang mga programa ng lokal na pamahalan sa mga solo parents ng lungsod.

Ang hakbang ay alinsunod sa Republic Act 8972 o ang Solo Parent Welfare Act of 2000.

 Tampok sa okasyon ang pagkakaroon ng 4Ks o ang Task Force for Solo Parent Association Inc na siyang matamang titingin at titiyak na mapapagkalooban ng kaukulang pansin at pagkalinga ang mga solo parent sa QC.

Show comments