QCVM Joy B, pangungunahan ang Chinese New Year

MANILA, Philippines – Si Quezon City Vice Mayor Joy Belmonte ang mangunguna sa pagdiriwang ng ikatlong  taong seleb­rasyon ng QC government sa Chinese New Year sa  February 8 sa Banawe na siyang China Town ng lungsod.

Simple ang gagawing selebrasyon sa Banawe dahil wala ng magaganap na street party at concert kundi dragon, lion dance lamang at fireworks.

Gayunman, sinabi ni Belmonte, bilang tourism czar ng lungsod ay patuloy ang dagdag na major developments na gagawin sa Chinatown upang ganap itong maging major tourism district.- Angie dela Cruz-

Show comments