MANILA, Philippines – Pinabulagta ang 29-anyos na misis at biyenang babae matapos na pagbabarilin ng kanyang mister sa loob ng kanilang bahay sa Barangay Tikay, Malolos City, Bulacan kamakalawa ng hapon.
Nagtamo ng mga tama ng bala ng baril ang mga biktimang sina Norma Camposano, 68; at Gloria Layug-Camposano, OFW sa Japan at kapwa nakatira sa Agatha Homes sa nabanggit na barangay habang tinutugis naman ng pulisya ang suspek na si Rommel Layug.
Sa inisyal na ulat nina PO3 Ardon Ahamad at PO1 Johnson Morecho, dakong alas-5:10 ng hapon nang kausapin ng suspek ang kanyang misis kaugnay sa nakatakdang paghihiwalay nila.
Hindi naman pumayag ang misis sa kahilingan ng suspek na umuwi na lamang sa kanilang bahay sa Tondo, Manila.
Dito na pinagbabaril ng suspek ang kanyang misis subalit narinig naman ng kanyang biyenang babae ang putok kaya ito sumaklolo.
Subalit pinaputukan din ng suspek ang kanyang biyenang babae kung saan kapwa bumulagta.
Narekober sa crime scene ng SOCO ang mga bala at cal. 9mm pistol.