Parak, 3 pa dinakip sa asunto

MANILA, Philippines – Hindi na pumalag ang isang pulis at tatlong iba sa magkahiwalay na pag-aresto ng mga tauhan ng warrant section ng pulisya sa magkakaibang kaso kamakalawa sa Malabon City.

Ang suspek ay kinilalang si PO1 Ollan Alexis De Leon, 30, ng Sulucan Street, Brgy. Hulong Duhat, ng naturang lungsod na nahaharap sa kasong illegal drugs.

Inaresto rin ang tatlo pang wanted sa batas na kinilalang sina Jesus Yalung, 47, ng Jacinto Street, Marulas, Valenzuela City,na may  kasong illegal na droga; Resty Canales, 42, ng Canduque, Daram, Samar, na may kasong rape at Dennis Nuguid, ng Victoria Street, Maypajo, Caloocan City, na may kasong qualified theft.

Show comments