MANILA, Philippines – Nagpalabas ng abiso ang pamumuan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa gagawing pagsara ng ilang bahagi ng EDSA dahil sa pagdiriwang ng ika-30 taong anibersayo ng EDSA People Power Revolution sa Pebrero 25 at asahan na ang mabigat na daloy ng trapiko.
Partikular sa bisinidad ng People Power Monument, na matatagpuan sa White Plains at sa EDSA Shrine, kahabaan ng EDSA.
Magde-deploy ang MMDA ng mga clearing operation personnel na siyang gagabay sa mga motorista para dumaan at gumamit ng mga alternatibong ruta para hindi maabala sa trapik.