MANILA, Philippines – Aprubado na sa House Committee on Ways and Means ang House Bill 6367 na inihain ni Cagayan de Oro Cong. Rufus Rodriguez kung saan unanimous ang naging botohan na naglalayong ilibre sa tax si Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach sa pagbabayad ng buwis para sa mga napanalunan nito sa pageant.
Sinabi ng kinatawan ng Bureau of Internal Revenue (BIR) na sisiguruhin nilang walang mangyayaring double taxation kay Wurtzbach kung isusumite nito ang mga dokumentong magpapatunay na nagbayad na ito ng buwis sa Estados Unidos.
Ilan sa mga maaaring patawan ng tax kay Wurtzbach ay ang korona nito na nagkakahalaga ng US 3,000.00 o katumbas ng P1.5 milyon.
Una ng napaulat na aabot sa humigit kumulang P4.5 milyon umano ang kokolektahing tax ng BIR kay Wurtzbach.