Seaman, kerida ipinakulong ng misis

MANILA, Philippines – ‘Walang baho na hindi sisingaw at walang sekreto na hindi mabubunyag’.

Ganito inilarawan ng isang 35 anyos na misis ang nangyari sa kanya matapos matuklasan na walong taon na pala siyang niloloko ng kanyang mister na seaman sa pagkakaroon nito ng kerida.

Kaya naman nagsampa ng reklamo ang ginang  laban sa mister nitong si Rogelio Cancino, 38, ng  #22 Saint Mathew St. San Pablo Subdivision, Magkaisang Nayon, Novaliches, Quezon City at ang kalaguyo nitong si Von April Valentino, 28, ng  Cadena de Amor Compound,  Barangay 174, Camarin Caloocan City.

Dala ng misis na nagtatrabaho bilang OFW sa sa Singapore ang mga mga dokumentong magpapatunay na siya ang lehitimong misis ni  Cancino.

Dahil sa mga ebidensiyang ipinakita ng ginang, kaagad na dinakip si Cancino at ang kanyang kinakasamang si Valentino.

Sa imbestigasyon mula noong 2008 ay nagsama na bilang mag-live-in partner sina Cancino at Va­lentino kung saan nagkaroon na sila ng tatlong anak.

Nang umuwi ng bansa ang ginang, kaagad niyang tinipon ang mga kinakailangang dokumento bilang ebidensiya at ipinagharap ng reklamo ang asawa na nagresulta sa pagkakadakip sa dalawa sa kasong concubinage sa mister nito at adultery naman sa kerida nito.

Show comments