Mister na naningil ng utang niratrat

MANILA, Philippines – Sa halip na bayaran ng inutang na pera ay mga bala ang ibinayad ng isang lalaki sa biktima na naniningil sa utang nito kamakalawa ng gabi sa Brgy. Gaulan, Diplahan, Zamboanga Sibugay.

Ang biktima na hindi na umabot ng buhay sa Wilfredo Palma Memorial Hospital dahil sa mga tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan ay kinilalang si Ronie Romana, 42, residente sa nasabing lugar. 

Batay sa ulat, bago nangyari ang pamamaril sa biktima dakong alas-8:00 ng gabi sa terasa ng kanyang bahay ay nakaupo ito nang  pagbabarilin ng suspek na hindi muna pinangalanan.

Ayon sa misis ng biktima na si Merlita Guilayan na bago nangyari ang krtimen ay sini­ngil ng  kaniyang mister ang suspek sa utang nito, subalit nagalit ito nang mapahiya sa mga tao matapos na kantiyawan na makunat.

Show comments