2 motor nagsalpukan: 4 todas

MANILA, Philippines – Nasawi ang apat katao kabilang ang isang 8-anyos na batang lalaki makaraang magbanggaan ang dalawang motorsiklo sa kahabaan ng national highway ng Quemtras, Brgy. Butong, Quezon, Bukidnon kamakalawa.

Namatay noon din sina Louie Alontaga, 18, driver ng kulay pulang XRM 125 na motorsiklo at ang backrider nitong si Fern Renjay Bayot, 8.

Hindi naman umabot ng buhay sa ospital ang nakabanggaan nitong si Ramon Baylumo, 38 driver ng kulay itim na motorsiklo at backrider nitong si Danny Talisan.

Sa ulat, dakong alas-7:35 ng gabi sa nasabing highway nang bumangga ang XRM na minamaneho ni Alontaga patungo sa direksyon ng Busco Sugar Milling Company Inc. sa kasalubong nitong motorsiklo ni Baylumo na sa galing Busco at patungo sa bayan ng Quezon.

Lumabas sa imbestigasyon na kapwa masyadong mabilis ang takbo ng dalawang motorsiklo na tuluy-tuloy na nagsalpukan.

Show comments