Lalaki nagpasagasa sa tren

MANILA, Philippines – Nagutay ang katawan ng isang lalaki na umano ay problema at sinadyang magpasagasa sa tren, kahapon ng madaling araw sa Pandacan, Maynila.

Ang biktima na marungis ay inilarawan na nasa humigit kumulang sa 50-anyos, nakasuot ng t-shirt na puti at asul ang shorts.

Sa imbestigasyon, bago nangyari ang pagpapasagasa ng biktima dakong alas-5:30 ng umaga sa Beata St., Pandacan, Maynila ay napansin na ito ng mga residente ang pag-upo sa riles ng biktima.

Ilan na rin mga tao ang nagtaboy sa biktima dahil sa peligro nitong ginagawa ay nagalit pa ito at minumura ang mga taong nakikialam sa kanya.

Pinagsabihan na rin ng security guard ang biktima na umalis sa riles, subalit nagmatigas at hindi umano natinag.

Nang dumaan ang tren ay hindi umano ito napansin ng operator ng tren kaya’t nahagip at nakaladkad pa ng ilang metro at nalasog ang katawan.

Ang bangkay ng biktima ay pansamantalang inilagak sa La Funeraria Rey.

Show comments