Heavy equipment operator, dinedo

MANILA, Philippines – Napatay ang 54-anyos na heavy equipment operator matapos itong pagbabrilin ng hindi kilalang gunman sa harap ng kanyang mga kaanak sa Barangay Olango, bayan ng Mallig, Isabela noong Sabado ng umaga.

Ang pagpatay sa biktimang si Aristotle Peralta ay kauna-unahang kaso ng pamamaril sa Isabela mula nang mag-umpisa ang gun ban ng Comelec noong Linggo (Enero 10).

Sa police report na natanggap ni P/Senior Supt. Leon Rafael, Isabela PNP director, nakatayo sa harapan ng kanyang bahay si Peralta nang lapitan at ratratin bandang alas-7 ng umaga. Nag­lakad palayo ng crime scene ang gunman na animo’y walang naganap na pamamaril. Narekober sa crime scene ang tatlong basyo ng cal.45 pistol.

 

Show comments