MANILA, Philippines – Binuwag ng mga otoridad ang daan-daang illegal sidewalk vendors sa Baclaran, Parañaque kamakalawa.
Batay sa ulat, dakong 10:00 ng umaga nang magsimulang magsagawa ng clearing operation ang Parañaque Police, Local Traffic Management at Parañaque City Government laban sa mga nagkalat na illegal sidewalk vendor at traffic obstruction tulad ng mga nakaparadang sasakyan sa kahabaan ng Taft Avenue, ilalim ng LRT station, Barangay Baclaran.
Ang hakbangin ay upang mapaluwag ang matinding trapik na nararanasan sa lungsod, partikular sa area ng Quirino Avenue hanggang Barangay Tambo.
Hindi naman nakapalag ang mga vendors at tiniyak naman ng pamahalaang lungsod ng Parañaque na isasaayos nila ang kalagayan ng mga ito upang huwag maapektuhan ang kanilang kabuhayan.