Misis grinipuhan ni mister

MANILA, Philippines – Nasa malubhang kalagayan ang 24-anyos na misis matapos itong saksakin sa leeg ng kanyang mister sa Barangay Pisawak, bayan ng Siocon, Zamboanga del Norte kamakalawa.

Patuloy na isinasalba ang buhay sa Siocon District Hospital ang biktimang si Jenelyn Edong Insong habang nasakote ang suspek na si Joseph Insong sa follow-up operation ng pulisya.

Sa ulat na isinumite sa Camp Crame, naitala ang insidente sa bahay ng mag-asawa sa Sitio Tidos pasado alas-2 ng mada­ling araw.

Bago maganap ang pananaksak ay nagkaroon ng mainitang pagtatalo ang mag-asawa dahil wala sa lugar na pagseselos ng nasabing mister hanggang sa makatulog ang biktima.

Gayon pa man, habang natutulog  ang biktima ay bigla na lamang itong sinaksak ng kaniyang mister gamit ang gunting.

Kasalukuyang humihimas ng rehas na bakal sa himpilan ng pulisya ang suspek.

Show comments