MANILA, Philippines – Tinatayang 20 kabahayan ang naabo sa naganap na sunog kamakalawa ng gabi sa Parañaque City.
Sa ulat ni Parañaque City Fire Department fire marshal, Chief Inspector Renato Capuz, dakong alas-10:00 ng gabi nang magsimula ang sunog sa isang bahay na may dalawang palapag na pagawaan ng cellphone na pag-aari ng isang Lydia Escares sa Culsidac Compound, Barangay Sun Valley ng nasabing lungsod.
Mabilis na kumalat ang apoy sa mga kalapit bahay dahil gawa ang mga ito sa light materials.
Umabot sa ikala- wang alarma ang sunog na idineklarang fireout dakong alas-12:00 ng madaling araw at nasa 40 pamilya ang nasunugan.