Wanted dedo sa shootout

MANILA, Philippines - Sa halip na sumuko ay nanlaban ang isang lalaking wanted sa batas sa mga otoridad naganap kamakalawa sa Sitio Upper Lumbo, Brgy Kabalantian, Arakan, North Cotabato.

Kinilala ang nasa­wing suspek na si Henry­ Batoy, may asawa, residente ng Brgy. Kabalantian, Arakan.

Batay sa ulat, isinagawa ng mga otoridad ang operasyon para ares­tuhin ang suspek na nahaharap sa kasong murder nang pinapasuko ito ay bumunot ito ng baril at pinagbabaril ang mga otoridad na nagresulta ng palitan ng putok at tinamaan ito.

Nadala pa sa ospital ang suspek, subalit idineklara iton dead- -on-arrival.

Show comments