MANILA, Philippines - Namahagi kahapon si Manila Mayor Joseph Estrada ng mga housing materials sa mga nasunugang residente ng Dagupan extension sa Tondo, Maynila na aabot sa 130 kabahayan.
Binalikan ni Estrada ang Barangay 155 at 160 sa Dagupan Extension, Tondo, Manila na nilamon ng apoy ang mga kabahayan dito dakong alas-3:00 ng madaling araw ng Enero 1 at nangako na tutulungan ang mga pamilyang nasunugan na kasalukuyang nasa evacuation site at sinusuplayan ng kanilang mga pagkain.
“Hindi ako mahihiya at titigil sa paghingi ng tulong sa mga kaibigan hangga’t hindi natatapos ang pagpapatayo ng inyong mga bahay” pahayag ni Estrada sa nasunugan.
Nabatid kay Estrada na bilang tulong, kukuha sila ng mga contruction workers mula sa mga naninirahan sa lugar na tutulugan naman ng mga tauhan ng city government at tiniyak nito na hindi substandard ang mga itatayong bahay dahil pawang mga bagong materyales ang kanilang gagamitin.