Karnaper tiklo sa pagkatay ng motorsiklo

MANILA, Philippines – Nadakip ng mga otoridad ang isang lalaki habang kinakatay nito ang tinangay na motorsiklo at nakumpiskahan pa ng dalawang  plastic ng shabu at patalim naganap sa Caloocan City kahapon.

Ang  suspek ay kinilalang si Darwin Malanum, 31, ng #116 Kabulusan Dos St., Barangay 20 ng nasabing lungsod na kinasuhan ng Anti-Carnapping Act, Illegal Possession of Dangerous Drugs at Illegal Possession of deadly Weapon).

Batay sa ulat, nakatanggap ng impormasyon ang mga pulis hinggil sa iligal na gawain ng suspek  sa kahabaan ng Guido 2 St., Barangay 34 ng nasabing lungsod kaya’t kaagad sinalakay ang lugar dakong ala-1:00 ng hapon at dito ay naabutan ang suspek na kinakatay ang isang motorsiklo na pag-aari ng isang Emerson Pamplina na tinangay ng suspek habang nakaparada.

Nang kapkapan ay nakuhanan pa ang suspek ng balisong at dalawang sachet ng shabu.

 

Show comments