MANILA, Philippines – Dalawang katao ang nadakip ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at Philippine National Police (PNP) sa isang buy bust operation sa San Joaquin, Iloilo kamakalawa.
Ang dalawang suspek ay kinilalang sina Rasmia Mustafa, alias Miiyah, 39, ng Culiat, Quezon City; at Jekerie Sepi, alias Jake Gomez, 38 ng Bakhaw, Iloilo City.
Nasamsam sa dalawang suspek ang isang malaking resealable transparent plastic sachet na naglalaman ng isang kilo ng shabu na nagkakahalaga ng P6 milyon.
Kinasuhan na ang dalawang suspek sa paglabag sa Section 5 (Sale of Dangerous Drugs) may kinalaman sa Section 26 (Conspiracy to Sell), Article II ng Republic Act 9165, o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.