MANILA, Philippines – Tig-P1 milyon multa ang ipinataw ng Land Transportation Franchising Regulatory Board (LTFRB) sa siyam na bus company nang pumasada ang kanilang bus ng walang special permit noong holiday season.
Ang mga pagmumultahin ng tig–iisang milyon ay Mega Bus line (TYJ-534); Alps the Bus Inc. -(TYS-368); Raymond Transport (UVH 621); Wega Transport Corp (AIA-1357); United Land Transport and Bus Inc; 3 unit na walang special permit (AIA-9134); (AIA-9133); (AIA-9130); Dimple Star Bus(TYR-393); at Cul Transport na dalawang unit ang pumasada ng walang special permit (HVP-746) at (EVR-716) gayundin ang Del Monte Motor Works Inc (TYX-954) at Roro Bus Transport (UVT-504)
Ayon kay LTFRB board member Ariel Inton, ang naturang mga bus unit ng naturang mga bus firm ay pawang out of line o pumasok sa ibang ruta noong holiday season ng wala namang special permit na nakuha mula sa ahensiya.