Lalaki dedo sa pinutol na puno

MANILA, Philippines – Isang 40-anyos na lalaki ang nasawi matapos bumagsak sa kanya ang pine tree na kanyang pinutol sa kagubatan ng Brgy. Loo, Buguias, Benguet kamakalawa.

Ang nasawi ay kinilalang si Ariel Balsina, magsasaka at residente sa lugar. Nasugatan naman si Rolly Ligumio, 25, tubong Natonin, Mountain Province.

Sa ulat, dakong alas-8:30 ng umaga sa Sitio Babanga, Brgy. Loo, Buguias  ay kasalukuyang namumutol ng puno ng pine tree ang mga biktima kasama ang ilan pang kaibigan nang mangyari ang trahedya.

Namiskalkula ng mga biktima ang pagbagsak ng pinutol na  pine tree na tinalian ng mga ito ng lubid pero sa kanilang direksyon ito lumagapak at napuruhan si Balsina.

Ang pinutol na pine tree ay gagamitin sana sa paggunita sa kamatayan ng kanilang lolo at lola.

Show comments